Pinangunahan mismo ng bagong talagang officer-in-charge ng Department of Justice na si Fredderick Vida ang una nitong flag ceremony bilang lider ng kagawaran.
Ito’y nang kanyang palitan si former Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla at italaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa posisyon.
Matapos ng flag ceremony, kadyat itong sinundan ng unang pagharap ni Justice Officer-in-charge Vida sa medya o pulong balitaan.
Kung saan dito niya sinabi at tiniyak na kanyang ipagpapatuloy ang serbisyo at trabaho ng Department of Justice.
Seseguraduhin aniyang tutukan pa rin ang iba’t ibang mga isyu at kaso hinahawakan ng kagawaran katulad ng sa ‘missing sabungeros’ at lalo na sa flood control projects anomaly.
Sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng kagawaran ukol sa flood control projects anomaly, pangako niyang di’ ito maisasantabi bagkus ay bibigyan ng atensyon.
Habang panawagan naman ni OIC-SOJ Vida sa publiko na magtira kahit kapirasong tiwala pa sa pamahalaan sa kabila ng isyu ng korapsyon.
Kanyang sinabi na gagawin ang lahat ng makakaya mapanagot lamang mga sangkot at asahang makapagsasampa na ng kaso sa lalong madaling panahon.
“Umasa po kayo, magtira pa kayo ng kahit po kapirasong pang tiwala. Tiwala sa mga puso niyo mga minamahal kong kababayan na ginagampanan po ng administrasyong ito sa ilalim po ng pamumuno ng ating minamahal na pangulo,” ani Department of Justice Officer-in-charge Fredderick Vida.
“Ang tagubilin po ay kung saan pupunta ang ebidensya. At isasalang po natin, at pananagutin ang dapat managot,” dagdag pa ni OIC-SOJ Vida.
Kaya naman maisa pang ulit niyang sinabi na titiyakin bilang officer-in-charge ng Department of Justice na magagampanan nito ng maayos ang trabaho.
Ito’y kahit aminado siyang mabigat ang responsibilidad na haharapin kaya’t pangako pa’y susundin nito ng tama ang ‘rule of law’.