-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa kumakalat na fake news online na namimigay ito ng ayuda sa mga senior citizen na may national ID.

Sa isang statement, nilinaw ng PSA na wala itong ipinapamahaging ayuda o tulong pinansiyal sa mga senior citizen.

Binigyang diin ng ahensiya na ang ayuda o tulong pinansiyal para sa mga senior citizen ay hindi iginagawad ng PSA. Kayat ang registration sa National ID ay maaaring requirement ng concerned agency para sa kanilang mga benepisyaryo lalo na ang mga senior.P

Paliwanag pa ng ahensiya na tinatanggap din ang national ID sa iba’t ibang mga transaksiyon bilang valid proof o katibayan ng pagkakakilanlan. Ito ay ginagamit din sa pag-apply sa mga benepisyo sa gobyerno base sa patakaran at regulasyon ng concerned agency.

Kaugnay nito, hinihimok ng PSA ang publiko na sumangguni lamang sa website o sa PhilSys site para makakuha ng mga lehitimong impormasyon.