DAVAO CITY – Sugatan ang Information officer ng Davao del Norte matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang kotse ng mga hindi pa nakilalang riding in tandem suspects.

Sa kabila nito, nasa mabuting kalagayan na umano ngayon ang biktima na si Pat Lucero na nagtamo lamang ng daplis sa kanyang likurang bahagi.

Batay sa salaysay ni Lucero, sakay siya ng kanyang kotse ng marinig ang sunod-sunod na mga putok ng baril sa likurang bahagi kaya nag-minor siya, pero nilapitan umano siya ng isa sa mga suspect.

Kahit duguan, nagawa pa rin umano ni Lucero na makatakas mula sa triggerman na nakatakip ng panyo ang mukha at naka-sumbrero.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen, pero malaki ang paniniwala ni Lucero na posibling may kinalaman sa issue sa TADECO ang tangkang pag-patay sa kanya.

Hawak na rin umano ng mga police ang kopya ng CCTV camera kung saan nahagit ang mukha ng dalawang mga suspek.