CAGAYAN DE ORO CITY – Mas magiging mabilis na ang repacking ng mga basura ng Verde Soko Philippines Industrial Incorporated sa pamamagitan ng paggamit ng proto-type container processing.
Ayon kay Mindanao International Container Terminal Port Collector John Simon na nagkaroon ng kabagalan sa repacking dahil kulang sa pera at mga laborer ang nasabing kompaniya.
Ito ang dahilan kaya tumulong na ang ahensya sa pagre-repack ng mga nakakalat at nangangamoy na basura sa loob ng kanilang pasilidad.
Aniya, mas madaling maipasok ang mga basura sa mga container van sa pamamagitan ng mga prototype containers at may nakalatag na silang plano sa segregation ng mga basura.
Kung maalala mahigit isang taong nang nakatiwangwang ang aabot sa 5,000 toneldang basura na nakalat sa loob ng kanilang pasilida sa Sitio Bugwak, Brgy Sta Cruz, Tagoloan sa lalawigan ng Misamis Oriental.