ILOILO CITY – Idinaos ng isla ng Panay at Guimaras ang One Billion Rising Dance Protest Against Gender Based Violence sa lungsod ng Iloilo kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mary Barby Jover, professor ng University of the Philippines Visayas — College of Arts and Sciences, sinabi nito na 2013 pa nag-umpisa ang kanilang adbokasiya bilang pagsunod sa taunang selebrasyon ng buong mundo.

Ayon kay Jover, kahit na may batas na bumibigay ng proteksyon sa kababaihan, may mga report pa rin hinggil sa pag-aabusong nagaganap.

Pahayag pa ni Jover, hindi lamang mga babae ang nakakaranas ng pang-aabuso kundi ang Lesbian Gay Bisexual Transgender and Queer o LGBTQ Community.

Aniya, kulang rin ang awareness level ng publiko.

Inaasahan rin na sa pamamagitan ng naturang adbokasiya, may pagkakaisa na magaganap sa pagitan ng mga organisasyon, institusyon, at State universities at colleges sa Iloilo.