-- Advertisements --

Pormal nang inilunsad ng Washington ang proseso nang pagkalas nito mula sa 2015 Paris climate agreement matapos tanggihan ni President Donald Trump ang naturang kasunduan dahil makakasira umano ito sa ekonomiya ng US.

Layunin ng kasunduan na ito na limitahan ang polusyion at greenhouse gas emissions. Sa oras na maging matagumpay ang withdrawal process, Estados Unidos ang magiging kauna-unahang bansa na tatalikod dito.

Nagpadala na rin ng formal notice si US Secretary of State Mike Pompeo sa United Nations upang simulan na ang one-year withdrawal process.

“The US is proud of our record as a world leader in reducing all emissions, fostering resilience, growing our economy and ensuring energy for our citizens. Ours is a realistic and pragmatic model,” saad ni Pompeo.

Aabot ng 200 bansa ang pumirma sa climate deal. Bawat isa ay nagsaad ng kani-kanilang adhikain upang makatulong na lutasin ang lumalalang problema sa climate change.

Kung maaalala, noong 2016 presidential campaign ay ipinangako ni Trump na iteterminate nito ang involvement ng US sa Paris deal.