Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang ipinapangakong “salvation” ng Easter o Pasko ng Muling Pagkabuhay ay magsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino para umasa sa bagong simula sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic.
Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ni Duterte na ang okasyon na ito ay nagbibigay ng “profound message of hope” para sa mga Pilipino sa harap nang matinding kalbaryo hatid ng pandemya.
“As we collectively strive to overcome the challenges brought about by the COVID-19 pandemic, I trust that the promise of salvation will inspire us to look ahead for new beginnings and move forward with stronger faith and compassion for others,” ani Pangulong Duterte.
“May this cornerstone of Christianity guide us as we pursue our shared aspirations for a better and safer future for our people,” dagdag pa nito.
Ito na ang ikalawang taon na ipinagdiriwang ng mga Katolikong Pilipino ang Easter Sunday sa loob ng isang lockdown.