Nakatakda raw iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga mananalong senador sa Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sabay-sabay daw ipoproklama ang 12 winning Senators.
Ngayong araw dadating ang mga Certificate of Canvass mula sa Hong Kong.
Ang mga Party-list groups na sigurado nang magkakaroon ng upuan sa Kongreso ay ipoproklama naman kinabukasan o sa araw ng Huwebes.
Sa ngayon, nasa 159 sa 173 COCs ang na-canvass na ng poll body na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).
Ang 24 na natitirang COCs ay kinabibilangan ng 19 manual overseas COCs, isang manual COC mula sa Vulnerable Sector Office, isang manual COCs mula sa 63 barangays, isang electronic COC mula Lanao del Sur, isang electronic overseas COC mula Hong Kong at isang electronic COC mula sa Jordan.
Ang Lanao del Sur ay magsasagawa naman ng special election at ang target at sa May 24 matapos ideklara ang failure of elections sa 14 barangays.
Nanindigan naman si Garcia na kailangang maiproklama nang minsanan ang mga nanalong senador.
Para naman sa party-list, posible umanong hindi maiproklama lahat dahil bawat bilang dito ay mahalaga para sa mga grupong hindi pa nakakakuha ng 2 percent ng total votes.
Sa ilalim kasi ng batas ay dapat makakuha ng dalawang pursiyento ang mga party-list groups para makakuha ng isang upuan sa Kamara.
Ang mga lalagpas naman sa 2 percent threshold ay mabibigyan ng karagdagang upuan na hindi lalagpas sa tatlo.
Base sa partila, at official tally ng Comelec, siyam na party-list group na ang siguradong makakakuha ng upuan sa House of Representatives.
Pero ang mga hindi nakakuha ng 2 percent ay posible pa ring mabigyan ng upuan sa Kongreso dahil base sa batas, dapat ay 20 percent ng mga uupo sa Congress ay mula sa party-list groups.
Sinabi rin ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nasa 86.13 percent na ang na-canvass ng komisyon na certificates of canvass (COC).
Pero bago suspendehin ng NBOC ang sesyon kahapon ay na-canvass na rin ang mga COC mla sa New Delhi, Amman sa Jordan, Islamabad, Vientiane, Budapest, Santiago, Warsaw, Damascus at Pretoria.
Sa ngayon nasa 14 na lamang na COC ang kailangang i-canvass ng NBOC.
Samantala, sinabi naman ni Laudiangco na ang canvassing ng boto para sa president at vice-presidential candidates ay matatapos na kapag nag-resume ang Congress sa May 23.