ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang contact tracing matapos nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang dalawang Police Officer at isang Non-Uniformed Personnel sa Police Regional Office 6 sa Camp Martin Delgado sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office 6, sinabi nito na noong Sabado, Agosto 15, isinailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga personnel.
Ayon kay Malong, Agosto 17 ng makumpirma na nagpositibo sa COVID-19 ang isang Non-Uniformed Personnel na babae, residente ng Deca Phase 1 sa Pavia, Iloilo at assigned sa Office of the Regional Director;
Isang Police Non-Commissioned Officer na residente ng Banate, Iloilo na may rangko na Police Staff Sergeant at assigned sa Regional Police Community Affairs Development Division at isang Police Commissioned Officer na may rangko na Police Captain na residete ng Iloilo City at assigned sa Regional Comptrollership Division.
Dahil dito, kaagad na isinagawa ang disinfection at nakatakdang isailalim sa RT-PCR test ang mga personnel na kasama ng mga COVID-19 positive kung saan mismo si Police Regional Office 6 Director Brigadier General Rene Pamuspusan ang nag self-quarantine na rin.