-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si Jessie J na ito ay na-diagnosed ng breast cancer.

Ayon sa 37-anyos na singer na sa mga susunod na araw ay sasailalim siya sa operasyon.

Nagpasalamat na lamang ito dahil sa maagang nakita ng mga doktor na ito ay may cancer.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ang nasabing sakit kung saan sinabi niya na pansamantala itong mawawala sa paggawa ng mga kanta at konsiyerto.

Ang singer na si Jessica Ellen Cornish sa tunay na buhay ay siyang nagpasikat ng kantang “Price Tag”.