Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na sumunod sa batas na nagmamandato ang price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Karding na nakasailalim sa state of calamity.
Ayon kay Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na mag-iisyu sila ng advisories sa mga lugar na idedeklara sa state of calamity ng mga local government units (LGUs).
Nakatakda din maglabas ang ahensiya ng price freeze bulletin sa bayan ng Dingalan sa probinsiya ng Aurora kung aan idineklara na ang state of calamity sa lugar.
Binalaan din ang sinuman na lalabag sa naturang batas ay maaaring makulong at mapatawan ng multa.
Para sa mga lalabag sa ilalim ng Republic Act No. 7581, o “The Price Act” of 1992 para sa manipulasyon sa presyo ay makukulong ng 5 hanggang 15 taon at multa na pumapalo sa P5,000 hnaggang P2 million.
Habang ang mga lalabag naman sa price ceiling ay mahaharap sa pagkakulong ng isa hanggang 10 taon at multa na P5,000 hanggang P1 million.
Sa parte naman ng DTI nakikipag-ugnayan na rin sila sa Office od the Civil Defense (OCD), ang implementing arm ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), para makuha ang inputs para sa price stabilization measures sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Ayon kay Trade Undersecretary Atty. Ruth Castelo, tanging sa basic necessities lamang applicable ang automatic price freeze kabilang dito ang bigas, itlog, karne ng baboy, karne ng baka, poultry meat at mais.
Gayundin sa mga de latang isda at iba pang marine products, processed milk, kape, laundry soap, detergent, kandila, tinapay at asin.