-- Advertisements --

Ipinagbawal ang pagtataas ng presyo sa 148 na gamot sa mga nasalantang lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa matitinding pag-ulan at pagbaha dulot ng dalawang bagyo at habagat.

Ayon sa Department of Health (DOH), ipinaiiral ang price freeze o walang paggalaw sa presyo sa loob ng 60 araw na epektibo simula nang ianunsiyo ang state of calamity sa lokalidad maliban na lang kung ito ay tanggalin ng Pangulo nang mas maaga.

Saklaw ng price freeze ang mga gamot gaya ng anaesthetics, analgesics, antiasthma, anticoagulants/antiplatelets/fibrinolytics, anticonvulsant, antidiabetic agents, antidiarrheals, antidotes, antiemetics, antihistamines, antihypertensives & anti-aginal agents, antimicrobials, antiparkinsonian drugs, antipsychotics, vitamins at minerals at iba pang mga gamot.

Para sa listahan ng iba pang mga gamot na nasa listahan ng price freeze, maaaring bisitahin ang website na https://bit.ly/PriceFreezeDOH o official page ng DOH.

Sakali mang may mga insidente ng overpricing sa mga gamot, agad itong ireport sa DOH hotline na (02) 8651-7800 o DTI Hotline: 1-384.