-- Advertisements --

Inaasahang bababa sa P100 hanggang sa P150 ang kada kilo ng sibuyas sa oras na dumating na ang inangkat na suplay sa bansa.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na ito ay pagtaya pa lamang dahil kailangan pang makuha ang pinal na presyo ng importers at kailangang ikonsidera ang cost of production ng ating mga kababayang magsasaka.

Saad pa ng DA official na inaasahang darating sa bansa ang nasa 21,060 metric tons ng imported na sibuyas ng hindi lalagpas sa Enero 27 dahil inaasahang sa naturang period ay mag-peak na ang harvest season. Ang inangkat na sibuyas ay ay darating sa loob ng 7-8 days mula sa araw na nag-apply ang importer para sa permit.

Una ng sinabi ni Estoperez na ang aplikasyon sa importasyon ay nagsimula noong Lunes at magtatagal hanggang Enero 13.

Tiniyak naman ng DA kanilang poprotektahan ang mga magsasaka dahil batid nila ang kanilang mga concern kasabay ng pagtugon sa impact ng sibuyas sa inflation rate ng bansa.