Nakatakdang i-sponsor ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro sa plenaryo ng Kamara de Representantes sa araw ng Lunes, Mayo 11 ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, ilalahad niya ang findings ng Justice Committee kabilang ang mga ebidensyang iniharap laban sa bise presidente na aniya’y nananatiling hindi nasasagot.
Kabilang sa mga akusasyon ang misuse ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, bribery, at umano’y planong pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Kailangan ang 106 na boto upang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na agad na magko-convene ang Senado bilang impeachment court oras na matanggap ang reklamo mula sa Kamara.
















