Tuloy na ang panibago na namang pagpapatupad ng kompaniya ng mga langis ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na advisory mula sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Jetti, PTT philippines, SeaOil, at Unioil ang presyo ng gasolina ay magkakaroon ng rollback na P2.10 kada litro habang P2.20 kada litro naman sa diesel.
Magpapatupad din ng rollback sa presyo ng kerosene na P2.55 kada litro.
Magiging epektibo ang price adjustments bukas, araw ng Martes alas-6:00 ng umaga maliban sa Caltex Philippines na magpapatupad ng price rollback ng mas maaga dakong alas-12:01 mamayang madaling araw habang ang Cleanfuel naman ay bandang alas-8:01 pa ng umaga ang implementasyon.
Una rito, sa datos mula sa Department of Energy (DOE) lumalabas na ang tinatawag na year-to-date adjustments ay umaabot na ang itinaas sa P19.65 kada litro sa gasolina, habang nasa P32.35 kada litro naman sa diesel, at meron ng kabuuang P27.30 bawal litro sa kerosina nitong buwan ng Agosto mula noong Enero ng taong kasalukuyan.