-- Advertisements --

Lalo pang tumaas ang presyo ng galunggong sa merkado sa pagpasok ng buwan ng Nobiyembre.

Kung babalikan nitong kalagitnaan ng Oktobre, ang naturang isda ay may average price na P244.66 per kilo.

Ngunit batay sa updated report ng Department of Agriculture (DA), tumaas na ng halos P100 ang kada kilong presyo nito.

Sa naturang report, ang mga lokal na galunggong may presyong P337.11 kada kilo. Aabot sa 12-14pcs ang papasok sa isang kilo nito (medium).

Bahagyang mas mababa naman ang presyo ng imported galunggong na aabot sa P302.22 ang kada kilo.

Ang kasalukuyang presyo ay malayong mas mataas kumpara sa presyo ng galunggong nitong nakalipas na taon.

Ayon kay DA Secretary Francisco Laurel Jr., mas mababa ang produksyon ng galunggong ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon. Naka-apekto rito aniya ang presensiya ng El Niño nitong 2024 na dahilan ng mas malaking bulto ng galunggong na nahuli ng mga mangingisda.

Una na ring inaprubahan ng DA ang pag-angkat ng hanggang 55,000 metriko tonelada (MT) ng small pelagic fishes tulad ng galunggong upang matugunan ang mababang domestic production.