-- Advertisements --

May inalok na P50,000 na pabuya ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para sa agarang paghuli sa suspek na pumatay sa isang mamamahayag mula sa Oriental Mindoro na si Cresenciano Aldovino Bundoquin.

Sinabi ni PTFOMS Executive Director at Presidential Communications Office Undersecretary Paul Gutierrez, na ang nasabing pabuya ay para mapabilis ang pag-aresto sa mga suspek.

Magugunitang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek ang 50-anyos na si Bundoquin habang ito ay nasa kaniyang bahay sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro.

Bumuo na rin ng specia task force si PNP chief PBGen. Benjamin Acorda na siyang tututok sa nasabing kaso.