-- Advertisements --
Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo.
Sinabi ni Jimenez na lahat ng mga kandidato ay nagkumpirma na sa kanila na dadalo sa naturang debate.
Nilinaw naman niya sa mga kandidato na hindi magpapadala ang COMELEC ng anumang advance questions para sa mga kandidato.
Hindi rin aniya papahintulutan ang mga kandidato na magdala ng anumang gamit kapag sila ay aakyat sa podium sa debate.