Tiniyak ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na sa gitna ng pag atake ng Russia ay hindi magpapatinag ang Ukrainians sa paggunita at pagdiriwang ng Pasko kaya hinimok nito ang kaniyang mga kababayan na magtiyaga lamang sa kabila ng kagulohan.
“We will celebrate our holidays! As always. We will smile and be happy. As always. The difference is one. We will not wait for a miracle. After all, we create it ourselves”, pahayag ni Pangulong Zelensky.
Matatandaan na ang missile at drone attack ng Russia ay nag iwan ng malaking pinsala sa Ukraine na nagdulot ng pagkawala ng kuryente at running water.
Nitong Sabado lamang may naitalang 10 tao na namatay sa pag atake ng Russia sa Ukraine southern Kherson city, samantalang 68 katao naman ang sugatan.
Sa kanyang post sa social media ipinakita niya ang larawan ng nagkalat na mga katawan at nasusunog na sasakyan.
Inilarawan ni Zelensky ang Russia bilang isang “Terrorist country” dahil aniya sila ay pumapatay upang manakot at para na rin sa kanilang kasiyahan.
Sa kabila nito, ayon sa mga Ukrainians ang paghihirap raw ay ang mas nagpapatatag sa kanila lalo na’t ngayon ay ang ika-11 buwan ng giyera sa gitna ng Ukraine at Russia.