-- Advertisements --

Hindi natitinag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa banta ng ilang bansa matapos ang ginawang pag-atake nito sa Qatar.

Binalaan nito ang Qatar na magpapatuloy sila sa pag-atake kapag hindi nila pinaalis ang mga Hamas.

Dagdag pa nito na hindi lamang Qatar at maging ang lahat ng mga bansa na nagtatago ng mga terorista na dapat ay paalisin ang mga ito.

Kung hindi magawa ito ng mga bansa ay mismo siya na ang gagawa ng hakbang.

Maguguntang nagsagawa ng airstrike ang Israel sa Qatar bilang ganti sa pamamaril sa Jerusalem na ikinasawi ng anim na tao.