Iniulat ng Philippine Navy na mayroong namataang mga presensya ng barko ng China sa kasagsagan ng isinagawang joint maritime cooperative activity ng Pilipinas at Estados Unidos West Philippine Sea.
Ayon kay PH Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad, mayroong dalawang barko ng People’s Liberation Army-Navy ang namataan sa kasagsagan ng naturang aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo.
Ngunit gayunpaman ay nilinaw niyang hindi naman ito nangealam at nakaapekto sa ginawang maritime activities ng Pilipinas at Amerika.
Kung maaalala, sa nakalipas na mga ikinasang joint maritime cooperative activities ng PH-US ay iniulat ng Armed Forces of the Philippines ay may namamataan itong mga presensya ng China hindi lamang sa karagatan kundi maging sa himpapawid na personal pang nasaksihan ng Bombo Radyo Philippines nang mapabilang tayo sa mga naimbitahang maging observers sa kauna-unahang pagsasagawa ng naturang aktibidad noong Nobyembre 2023.