Kinumpirma ng Malacanang ang pagtatakda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng unang state visit nito sa kaniyang administrasyon.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, unang tutunguhin ng pangulo ang Indonesia sa Setyembre 4 hanggang 6, 2022.
Susunod namang bibisitahin ang Singapore sa Setyembre 6 hanggang 7, 2022.
Tuloy din naman ang pagpunta nito sa Estados Unidos, ngunit wala pang pinal na detalye, dahil kinakailangan pa umano ng ilang paghahanda.
Inaasahan na makikibahagi rin ang presidente sa UN General Assembly sa New York at magtatalumpati doon ang Pangulong Marcos.
“Ico-confirm ko rin lang po ‘yung dalawang state visit to Indonesia at saka to Singapore. Itong September 4 to 6 sa Indonesia at 6 to 7 sa Singapore. Kung may katanungan dito, actually wala pa tayong masyadong detalye pero kino-confirm namin na tuloy po ito. As for the United States, for the visit dun sa US ay it’s still being worked out although nagsabi ang pangulo that he will be going. So, we will release the details on this as they come in,” wika pa ni Cruz-Angeles.