-- Advertisements --

Nag-abiso ang ilang lokal na pamahalaan ng kanselasyon ng klase ngayong araw ng Lunes, Agosto 18 dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ang ilang lugar sa probinsiya ng Cebu gaya sa mga siyudad ng Talisay at Cebu ay nagsuspendi ng face to face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan kasunod ng matinding pagbuhos ng ulan bunsod ng localized thunderstorms kaninang madaling araw na tumagal ng mahigit isang oras na nagpabaha naman sa mga pangunahing kakalsadahan.

Inabisuhan ang mga eskwelahan na magpatupad ng early dismissal para sa mga nag-umpisa na ang klase bago pa man ang anunsiyo ng lokal na pamahalaan.

Gayundin, kinansela na rin ng lokal na pamahalaan ng Imus at Kawit sa lalawigan ng Cavite ang mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga eskwelahan ngayong Lunes.