Inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mabunga ang pakikipagpulong niya ngayong araw kay Indonesian President Jokowi Widodo, kaugnay ng kaniyang kauna-unahang state visit sa nasabing bansa.
Target umano ng kaniyang pagdalaw na palakasin pa ang ating bilateral relationship at partnership na 73 taon nang umiiral sa pagitan ng dalawang bansa.
Pag-uusapan din kung papano magtutulungan sa mga bagay ng security, defense, trade and investment at kultura.
“…I will meet with President Widodo and we will strengthen further ang ating bilateral relationship and partnership na 73 years na tayo na magkapartner ng Indonesia at paguusapan namin sa ating dalawang bansa kung papano tayo magtutulungan sa bagay bagay ng security, defense, trade and investment at saka kultura,” wika ni Pangulong Marcos.
Patitibayin din aniya ang “people to people ties” kasabay ng pagpapalakas ng tourism at business travel.
Sasaksi rin sila sa paglalagda ng mga mahahalagang kasunduan na magbibigay ng pundasyon sa ugnayan para sa susunod na limang taon at sa darating pang panahon.