Nagbago ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalagay ng mga casino sa isla ng Boracay.
Sa kaniyang pulong sa mga gabinete nitong Huwebes ng gabi, Agosto 26, sinabi ng pangulo na nararapat na lamang buksan ang mga casino sa nasabing isla.
Ito ay sa kadahilanan na kailangan ng gobyerno ng pera at isa ang casino sa pagkukuhanan ng pondo.
“Ngayon ‘pag sinabing itong si Duterte: ‘Bakit sinabi mong ayaw mo mag-sugal tapos ngayon ‘yung sa Boracay, yung gambling house doon ine-encourage mo buksan? Patawarin po ninyo ako for the contradiction. Ngayon po wala tayong pera. Kung saan man tayo makakuha ng pera kukunin ko. Kung diyan sa gambling so be it,” wika pa ng pangulo.
Humingi naman ito ng pang-unawa dahil sa naging magkasalungat ang kaniyang pahayag noon.
Magugunitang noong 2018 ng punahin ng pangulo ang Nayong Pilipino Foundation dahil sa pagpayag nila ng maraming mga gambling franchise sa Boracay island.