-- Advertisements --

Nakatakdang isagawa bukas ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa murder complaint na inihain laban sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tatlo pa nitong kasabwat sa pagpatay sa radio broadcaster na si Pervical Mabasa na kilala rin sa pangalang Percy Lapid.

Ayon sa DoJ, ang preliminary investigation laban kay Escorial, Israel Dimaculangan, Edmund Dimaculangan at isang nagngagalang Orly ay isasagawa dakong alas-10:00 ng umaga.

Kung maalala, ang biktima ang binaril sa kanyang bahay sa Las PiƱas City noong Oktubre 3.

Sumuko naman si Escorial sa mga pulis dahil sa takot nito sa kanyang seguridad.

Noong October 19, kinumpirma ni Southern Police District chief Police Brigadier General John Kirby Kraft na nagsampa na sila ng murder complaint laban kay Escorial at Dimaculangan brothers maging ang nagngangalang Orly.

Noong araw ding yon, dumating si Roy Mabasa kapatid ng biktima sa DoJ office para pumirma ng reklamo laban sa mga suspek.

Ang tatlong suspek na sinasabing kasabwat ni Escorial ay nananatili pa ring at-large.

Nitong Linggo lamang nang ihayag ni Kraft na ang Lapid killing case ay naresolba na dahil nakilala na ang suspek at nasa kustodiya na ng mga otoridad.