-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisimula na sa October 7 ang pre-registration para sa National ID (Identification card) sa 32 probinsiya sa buong bansa.

Ang 32 probinsiya ay ang mga sumusunod: Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental at Tawi-Tawi.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, may koordinasyon na sa Philippine Statistics Authority at maging sa kanilang regional offices.

Pinili nila aniya ang mga nasabing probinsiya dahil mababa ang kaso ng coronavirus sa mga ito, kaya hindi muna kasama ang Metro Manila, Cebu at ang iba pang mga “high risk areas.”

Ang mahalaga sa ngayon na may ginawa silang sistema para masimulan ang proseso hinggil sa pre-registration ng National ID.

Kapag nakontrol na ang deadly virus, sa susunod na taon ay posibleng itutuloy na ito.

Giit ni Año, may mga kaukulang hakbang ang inihanda lalo na sa mga probinsiya na nasa modified general community quarantine.

Layon nito ay para hindi maisa alang-alang ang kalusugan ng mga mamamayan kaya mahigpit pa ring paiiralin ang minimum health standards.