Kinasuhan na ng Philippine Natonal Police (PNP ) ang ama ng estudyante na sangkot sa pamamaril sa Zamboanga.
Kasama rin na nakasuhan ang security personnel ng nasabing paaralan.
Nahaharap ang dalawa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury.
Ayon sa Police Regional Office 9 na siyang nanguna sa imbestigasyon, mayroon silang sapat na ebidensiya na nakalap sa ginawa nilang masusing imbestigasyon.
Dagdag pa nila na malinaw ang kapabayaan ng ama dahil sa nakuha ng anak nito ang kaniyang government-issued at personal na baril.
Habang ang hindi na pinangalanang security personnel ay kinasuhan matapos ang kapabayaan dahil sa pagpayag na makapuslit ang baril.
Lumabas din sa imbestigasyon ng mga otoridad na walang ebidensiya na isinagawa ang krimen ng may kasamang mga ibang grupo.















