-- Advertisements --

Nagtayo ng hindi bababa sa 79 tents ang Philippine Red Cross sa Davao Oriental bilang mga temporary shelter ng mga residenteng nananatiling apektado ng nagdaang mga lindol.

Ayon sa PRC, mula sa bilang na ito ay 42 ang itinayo sa Manay habang 32 naman ang nasa bahagi ng Tarragona na siyang nagsisilbing mga ligtas na tirahan sa mga residenteng nawalan ng tirahan bunsod ng doublet earthquake sa rehiyon.

Maliban naman sa mga temporary shelter ay nagpaabot din ng ilang mga serbisyo ang PRC sa mga apektadong residente gaya ng mga food trucks, relief distributions, pamamahagi ng malinis na tubig at ilan pang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente sa lalawigan.

Samantala, patuloy naman na tinitiyak ng PRC na lahat ay makakatanggap ng sapat na kalinga at tulong habang patuloy na sumasailalim ang mga ito sa rehabilitasyon.