Fabio Buzzi
Fabio Buzzi

Patay ang kilalang power boat world champion sa Italy matapos ang tangkang pagbasag nito ng record.

Si Fabio Buzzi, ay nanguna sa grupo ng tatlong tao ng bumangga ang kanilang bangka sa artificial dam.

Tangka kasi ni Buzzi na malagpasan ang kaniyang Monte Carlo hanggang Lido di Venezia record subalit nangyari ang aksidente.

May layo ito ng 1,380 miles kung saan lula nito ang 39 talampakan na may flat engine na posibleng lumalakbay ng 79 knots per hour.

Malapit na sana ito sa finish line subalit bumangga ito sa Mose system na nakalagay sa lugar.

Ang Mose system ay inilagay bilang pangharang sa tubig baha.

Taon 2016 ng maitala ni Buzzi ang record na 22 hours at limang minuto.