Reading Time: 1 minute
Poppovich FIBA
USA Basketball team coach Gregg Poppovich

Ipinagmamalaki pa rin ni USA basketball coach Gregg Popovich ang kaniyang mga manlalaro kahit na bigo silang makapasok sa semifinals ng FIBA World Cup sa China.

Sinabi ng San Antonio Spurs coach, hindi matatawaran ang sakripisyong ipinamalas ng mga manlalaro.

Hindi aniya mahalaga kung sino ang napili niyang isabak sa torneyo dahil lahat ay dumaan sa matinding ensayo.

Nauna nang binatikos ang line-up ni Popovich na kahit mga NBA players sa pawang mga baguhan naman sa world stage.

Kung maalala hindi sumama ang ilang NBA stars sa koponan dahil sa injury, habang ang iba naman ay tumanggi ang dahil sa idinadahilan ang paghahanda sa bagong season ng NBA.

Ilan sa umayaw na maging parte ng Team USA ay sina LeBron James, Kawhi Leonard, Stephen Curry, James Harden, Anthony Davis, Russell Westbrook at Paul George.

Magugunitang hindi pinaporma kagabi ng France ang Team USA sa kanilang paghaharap sa quarterfinals, 89-79, sa ginaganap na FIBA Basketball World Cup sa China.