-- Advertisements --

Nagpahiwatig si Pope Leo XIV na ipagpapatuloy niya ang mga adhikain at reporma ng yumaong si Pope Francis.

Sinabi nito sa mga cardinals na ang yumaong Santo Papa ay nag-iwan ng isang “mahalagang pamana” na kailangang ipagpatuloy.

Sa kanyang unang pagpupulong kasama ang lahat ng cardinals mula nang siya ay mahalal bilang Santo Papa noong Mayo 8, hiniling din nito sa senior clerics na muling pagtibayin ang kanilang paninindigan sa mahahalagang reporma ng Simbahan na ipinatupad sa makasaysayang Second Vatican Council noong dekada 1960.

Sinabi ni Leo na si Francis, na pumanaw noong Abril 21, ay may malawak na pananaw na buksan ang 1.4-billion-member Church sa makabagong mundo. 

Nag-iwan din ito aniya ng isang “halimbawa ng ganap na dedikasyon sa paglilingkod.”