4th PLACE pomoy

Todo pasalamat ngayon ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy sa kabila ng hindi siya ang kinilalang kampeon sa pagtatapos ng America’s Got Talent 2020: The Champions.

Sa inilabas na resulta, si Pomoy ay pang-apat mula sa champion o dineklarang third runner-up sa mga bigating mga kampeon mula sa iba’t ibang dako ng mundo na merong version ng AGT.

Tinanghal na kampeon ang dance group na V Unbeatable mula sa India.

Tampok sa performance ng grupo ang makapigil hininga na mga stunts o acrobats.

Ang dance group ay una na ring nakatanggap ng golden buzzer sa judge mula kay Howie Mandel para dumiretso ito sa finals.

Bago naman ang anunsiyo nag-perform muli si Pomoy at tulad ng dati napa-wow niya ang audience sa pag-awit sa pinasikat ng Queen na “We Are The Champions.”

Maging mga AGT judges ay binigyan ng standing ovation si Pomoy sa kanyang version.

AGT CHAMAPION

Para naman sa ibang fans, mistulang si Pomoy ang kampeon dahil ang ibang mga contestant ay nagmistulang background niya sa pag-perform habang umaawit siya.

Ang judge na si Heidi Klum ay ipinaabot ang labis na paghanga sa Pinoy vocalist.

“You have the most beautiful voice, I mean beautiful voices inside of you. You are a champion and thank you for sharing your talent with us.”

Narito pa ang mga winner sa AGT 2020: The Champions, ang second place (1st runner-up) ay napunta sa Duo Transcend, nasa 3rd place naman si Tyler Butler Figueroa at 5th place si Sandou Trio Russian Bar.