Nakataas ngayon ang alerto ng mga police units sa Bicol at Quezon Province.
Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, inatasan niya ang mga ito na maging mapagmatyag at mag ingat sa mga posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA).
Kasunod na rin ito ng magkalahiwalay na atake ng komunistang rebelde sa Masbate City, Legazpi City at sa bayan ng Buenavista sa Quezon.
Ayon kay Eleazar, matinding dagok ang inabot ng CPP-NPA-NDF sa sunod-sunod na pagsuko ng kanilang mga kasamahan kaya inaasahan nila na palalakasin nila ang kanilang pag-atake para magkunwaring malakas pa rin sila.
Inatasan din ni PNP Chief ang mga police commanders na paigtingin pa ang kanilang intelligence monitoring at gathering laban sa communist armed group.
Nabatid na sa Masbate City, dalawa ang nasawi sa roadside bombing at pamamaril ng NPA kasama na ang FEU football player.
Habang sa Legazpi City naman ay apat na sibilyan kasama ang isang abugado ang nasaktan matapos tambangan.
Samantalang sa Buenavista, Quezon, ay isang militiaman ang nasawi sa pananambang habang pauwi ng bahay matapos ang gift-giving activity.
Dagdag pa ni Elazar, ang mga serye ng pag atake ay mula sa utos ng pinaka mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF na palakasin ang kanilang pag-atake.