-- Advertisements --

Arestado ang commander ng Caloocan City police community precint 10 dahil umano sa pangingikil.

Nakilala ang naaresto na si Pol. Major Celso Sevilla at ang kasama nitong sibilyan na si Nestor Rivera.

Ayon kay Integrity Monitoring and Enhancement Group chief Brig. General Ronald Lee, inaresto si Sevilla matapos tanggapin nito ang marked money.

Kasalukuyan namang nakatakas at pinaghahanap ang kasamahan nito na si Cpl. Albert Cruz.

Nagbunsod ang reklamo dahil umano sa pagkotong ni Sevilla ng tig-P300 sa mga gasoline vendor tuwing linggo kapalit ng pagpapatuloy ng kanilang negosyo.