Reading Time: 1 minute

Pinangunahan ni RR Pogoy ang panalo ng TNT KaTropa laban sa Barangay Ginebra 104-96.

Nakapagbuslo ng 10 three points ang Cebuano player na may kabuuang puntos na 38 points.

Dahil dito ay kahanay na ni Pogoy sina Allan Caidic, Kenneth Duremdes at Marcio Lassiter na may 10 three points sa isang laro.

Hawak pa ng Ginebra ang kalamangan sa unang bahagi ng fourth quarter 79-69 hanggang nahabol ito ng TNT.

Nag-ambag naman ng 17 points, 14 rebounds, 16 assists at anim na blocks sa si TNT import Terrence Jones.

Labis naman ang kasiyahan ni TNT coach Bong Ravena dahil sa naging tagumpay nila.