-- Advertisements --

Tinawag ng Philippine Olympic Committee (POC) na isang mission accomplish ang performance ng Team Philippines sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino na makikitang nagawa ng team Philippines ang kanilang misyon dahil sa nalampasan nila ang medalya na kanilang nakuha sa mga nagdaang SEA Games.

Humakot kasi ang Pilipinas ng 58 golds, 85 silvers at 117 bronze medals sa Cambodia SEA Games na nalampasan ang 52 gold 70 silver at 105 bronze medals noong 2022 SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Hindi naman maiwasan aniya na may mga puna sa hosting ng Cambodia ay naging matagumpay pa rin ito.

Pagtitiyak ng opisyal na hindi titigil ang POC sa pagsuporta nila sa mga atletang Pilipino.