-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – I-denepensa ng pulisya ang ginawa nila na paghuli sa kilalang aktibista na nakabase sa Caraga Region na si Renalyn Tejero,25 anyos, dalaga habang nakituloy sa Lawesbra,Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr na dahil hawak ng Regional Intelligence Division 13 o R3 ang Caraga PNP ng warrant of arrest ay patunay lamang umano ito na mayroong ebedensiya na magdudugtong kay Tejero sa kinaharap na kasong murder at frustrated murder sa bayan ng San Miguel,Surigao del Sur.

Sinabi ni Sabud na maaring hindi direktang nasangkot si Tejero nang pinaslang ang dating NPA rebels na sina Zaldy Acidillo, 65,Manobo tribal chieftain Bernandino Astudillo, 70 ng mga aktibong kasamahan subalit kung may nakapagturo na kabilang siya sa nagpalano ay dawit pa rin sa mga kaso.

Inihayag ng opisyal na bagamat magkakaroon pa nang pagdinig ang mga kaso na kinaharap ni Tejero kaya may sapat pa na pagkakataon na maidepensa nito ang sarili laban sa akusasyon ng pamilya ni Acidilllo at Astudillo.

Si Tejero ay agad ibini-biyahe pabalik Caraga Region matapos ang coordinated operation ng Cagayan de Oro City Police Office sa tinuluyan nito sa Barangay Lapasan na ilang kilometro lamang ang layo mula PRO -10 Headquarters ng lungsod kahapon ng madaling araw.

Magugunitang inakusahan ng PNP na miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang akusado at nagsilbi ring paralegal officer ng grupong Karapatan sa rehiyon ng Caraga.

Una nang tumanggi ang 4th ID,Philippine Army na magkomento ukol sa nangyaring pagkahuli ni Tejero subalit humingi sila ng sapat na impormasyon mula sa kanilang lower units sa nabanggit na rehiyon.

Napag-alaman na batay rin sa legal team ng akusado na wala raw sila natatanggap na subpoena o kaya’y ipinapatawag sa piskalya o korte upang makadalo para sa preliminary investigation.