-- Advertisements --

Pinasinayaan ngayong araw sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang annual na inspeksyon ng mga disaster response equipments ng kanilang hanay.

Layon ng inspeskyon na matiyak na palaging nakahanda at nakakondisyon hindi lamang ang kanilang hanay ngunit maging ang kanilang mga kagamitan.

Isa sa mga nainspeksyon ng hepe ay ang mga fire trucks, rescue boats, mga ambulansya at ilang generators kung sakali namang kailanganin ng supply ng kuryente tuwing may sakuna.

Sa isang panayam, tiniyak ni Marbil na 100% na nakahandang tumulong ang kanilang kapulisan sa kabila ng bilang ng kanikang mga kagamitan ay patuloy na makakapagserbisyo ang kanilang hanay.

Lahat din aniya ng kanilang hanay magmula sa mga nagsasagawa ng mga rescue operations hanggang sa mga tauhang nasa ground ay mga sumailalim sa training.

Layon din ng ginawang inspeksyon ngayong araw na matiyak na kahit ano mang oras ay kayang rumesponde ng mga pulis sa kahit ano mang sakuna.

Ani Marbil 100% din na nakahanda ang kanilang mga go bags para sa paghahanda sa giyera, emergencies at maski sa pagsasagawa ng mga rescue operations.

Samantala, ilan naman sa mga kagamitang sumailalim sa inspeksyon ngayong araw ay mga procurement naman bilabg karagdagang kagamitan para sa kanilang hanay at mga rescuers.