-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang kumalat ang COVID 19, walang naitalang bagong kaso ng COVID 19 sa Philippine National Police (PNP).


Sa datos ng Health Service, zero case ang PNP ngayong araw habang siyam ang bilang ng mga bagong gumaling o naka rekober sa sakit.

Sa ngayon nasa 45 na lamang ang aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP.

Mula ito sa mahigit 3, 000 aktibong kaso nito lang Setyembre.

Mula nang magsimula ang pandemya, 42, 198 na tauhan ng PNP kung saan 125 ang nasawi.

Nabatid na ang 99 percent vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid 19 sa kanilang hanay.