-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hinihintay pa ng PNP sa bayan ng Isulan ang resulta ng post-blast investigation kasunod ng nangyaring pamomomba sa public market sa Brgy. Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng walong katao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Isulan PNP chief of police Lt. Col. Joven Bagaygay, kanila pang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng explosive ordnance division (EOD) team kaugnay sa mga components ng improvised explosive device (IED) na ginamit sa pagpapasabog, maging ang resulta rin ng pagsusuri ng Special Investigation Task Group.

Dagdag ng opisyal, wala rin siyang komentong maibibigay kaugnay sa inilabas na pahayag ng Western Mindanao Commnad (WestMinCom) na posibleng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Abu Toraife Group ang itinuturong responsable sa naturang pamomomba.

Sa ngayon aniya ay balik na sa normal ang sitwasyon sa bayan ngunit bakas pa rin ang takot sa mga residente matapos kinordon ang pinangyarihan ng insidente kahapon ng umaga at naging ghost town ang lugar.

Ngunit tiniyak naman nitong may mga counter measures sila ipinapatupad upang labanan ang anumang hakbang ng mga terorista na nais maghasik ng lagim sa kanilang bayan at sa mga karatig lugar.

Samantala, sinabi rin ni Bagaygay na nakalabas na ang pito sa walong sugatan sa pamomomba at patuloy pang nagpapagaling sa pagamutan si Niño Virgo na nagtamo ng sugat sa kaniyang leeg, dibdib at braso matapos tamaan ng shrapnel.

Umaapela naman ito sa mga mamamayan na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang hindi na maulit pa ang trahediyang nangyari lugar.