-- Advertisements --

vaccine 2

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tutulong sila sa pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila at ibang lugar na nasa ilalim ng alert level 3, simula ngayong araw.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, mas palalakasin nila ang presensya ng mga pulis.

Magpapakalat aniya sila ng mga tauhan sa mga bus stop at terminal ng mga passenger utility vehicle at magsasagawa rin ng random check sa mga border control point para matiyak na masusunod ang health protocol.

Nabatid na sa ilalim ng natu­rang kautusan na inis­yu ng Department of Transportation sa “no vaccination, no ride” policy, makakatuwang nila ang attached agency na Metropolitan Manila Development Autho­rity, Inter-Agency Council for Traffic, Highway Patrol Group ng PNP at mga local government unit.

Samantala, sinabi naman ni PNP spokesperson Col. Roderick Alba na maliban sa mga terminal ay magiging aktibo rin ang mga pulis sa pagbabantay sa ibang matataong lugar.