Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang Manila Police District na siguraduhing nasusunod ang minimum public health standards sa soft opening ng Dolomite Beach sa Manila Bay.
Sinabi ni Eleazar na ayaw niyang maulit ang nangyari noong nagbukas ito noong nakaraang taon kung saan hindi nasunod ang physical distancing.
Magugunitang nasibak ang isang pulis sa Maynila sa kabiguan na ipatupad ang batas.
Paliwanag ni Eleazar, mahigpit ang bilin ni DILG Sec. Eduardo Año na pigilan ang mga “super spreader events” lalu pa’t may panganib na kumalat sa bansa ang delta variant ng corona virus.
Sinabi ni Eleazar na kailangan lang naman tiyakin ng mga pulis na sumunod ang mga tao sa pagsusuot ng face mask at face shield at obserbahan ang Tamang distansya.
Para maiwasan din aniya ang overcrowding, papayagan lang na maglibot ang mga bisita sa dolomite beach ng hanggang limang minuto lang.