cpnp10 1
-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila mag-aatubiling ipatupad ang batas sa mga indibdiwal o grupo na lalabag sa minimum public health standard lalo na duon sa mga magsasagawa ng kilos protesta bilang paggunita sa ika-49th Martial Law anniversary.

Nanawagan naman si PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa mga magkakasa ng pagkilos ngayong araw na idaan na lang sa online ang kanilang mga aktibidad dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Inalerto na ni Eleazar ang lahat ng pulis sabay pagpapaalala sa mga ito na pairalin pa rin ang maximum tolerance at makipag-ugnayan sa mga Local Government Units upang matiyak na masusunod pa rin ang health protocols sa kabila ng mga pagkilos.

Samantala, Kasado na ang inihandang kilos protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ngayong ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong araw.

-- Advertisement --

Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN Sec/Gen. Renato Reyes, nakasentro ang kanilang mga pagkilos sa panawagang wakasan na ang pamamayagpag ng Administrasyong Duterte at huwag hayaang mapalawig pa ito sa kapangyarihan.

Kasama rin sa kanilang panawagan ngayong araw ang pagtatakwil sa tambalanbg Duterte – Marcos sa 2022 dahil itinuturing nila itong malaking banta sa demokrasya ng bansa.

Binilinan din ni Reyes ang mga lalahok sa kilos protesta na magsuot ng face mask at dalhin ang face shield na simbulo ng kapalpakan at kurapsyon sa administrasyon.