-- Advertisements --

Nagbabala ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko lalo na ang mga mahilig manira sa social media, partikular ang Facebook.

Ayon kay PNP-ACG spokesperson S/Insp. Artemio Cinco Jr., sang-ayon sa Republic Act No. 10175 o ang Anti-Cyber Crime Law, mas mabigat umano ang parusang kahaharapin ng mga makakasuhan ng cyber libel kumpara sa kasong libel sa mga pahayagan, radyo at telebisyon.

Paliwanag ni Cinco na mula sa parusang isang buwan hanggang anim na taong pagkakulong sa ordinaryong libel, magiging anim na taon hanggang 12 taon sa cyber libel at may piyansang mula P20,000 hanggang P200,000 depende sa bigat ng ebidensya.

Sa datos ng PNP-ACG, nasa 2,958 na kaso ang kanilang natanggap mula Enero hanggang Setyembre at ang cyber libel ang pinakamataas na nasa 792.