-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Maliban sa kanilang tungkuling panatilihin ang katahimikan sa bayan, ay sinimulan na rin ng Pigcawayan PNP ang pagbibigay ng libreng sakay o sakay alalay para sa mga residente na walang masakyan.

Ayon kay Pigcawayan PNP Acting Chief of Police,PMAJ Reynaldo Delantien, ang sakay alalay ay nag sisimula mula ala 6:00 hanggang alas 7:00 tuwing umaga at pagka hapon naman ay mula alas kwatro hanggang ala singko.

Aniya, layon ng programang ito ay upang maihatid sa kani-kanilang mga bahay ang mga stranded nating na mga residente at mga walang masakyan pauwi mula sa pamimili.

Nagpapasalamat si Delantien kay Pigcawayan Mayor Jean Dino Roquero dahil sa pagbibigay nito ng fuel assistance upang maisakatuparan itong sakay alalay program ng pulisya para sa mga Pigcawayanon.