Ikinakasa na umano ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang joint operation laban sa mga tinaguriang ‘ninja cops” o mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukumspikang iligal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PDEA director-general Aaron Aquino na nagkausap na sila ni NCRPO chief Guillermo Eleazar kahapon at nakumpara ng kanilang listahan ng mga pulis na sangkot sa recycling at pagbebenta ng mga iligal na droga.

Ayon kay Undesercretary Aquno, partikular na target ng isasagawang operasyon ang mga police officials na kasabwat o kasosyo ng tinaguriang “drug queen.”

Inihayag ni Aquino na ilang sa kanyang listahan ay wala sa hawak ni Eleazar kaya aalamin pa daw kung saan sila naka-destino at kung aktibo pa sa serbisyo.

Nakatakda rin daw isumite ni Usec. Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte ang komprehensibong report kaugnay sa transaksyon ng “drug queen” sa mga tiwaling opisyal ng PNP.

Binaggit ni Aquino na kapag may nakukumpiskang iligal na droga ang mga “ninja cops” dinadala ito kay “drug queen” para ibenta ng mas murang halaga na siya namang ipapakalat sa mga drug pushers.

Umaasa ang PDEA official na sa lalong madaling panahon, magkaroon din ng matagumpay na operasyon laban kay “drug queen” na ilang beses daw nakakalusot maging sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).