Ipinaabot ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang kanyang pagbati sa kanyang mistah na si Lt. Gen. Filemon Santos sa pagkakatalaga nito bilang susunod na AFP.

Sinabi ni Gamboa na ikinararangal ng buong PMA Sinagtala class of 1986 ang pagkakapili ng Pangulong Duterte kay Santos bilang kapalit ni outgoing AFP Chief Gen. Noel Clement.

Si Clement na miyembro ng PMA Class of 1985 ay nakatakdang magretiro ngayong Sabado.

Sinabi ni Gamboa na ang buong Sinagtala Class ay dadalo sa Change of Command Ceremony ngayong Sabado para ipakita ang kanilang supporta kay Santos.

Si Santos ang kasalukuyang Commanding General ng Eastern Mindanao Command.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang manguna sa Change of Command Ceremony ngayong Sabado sa Camp Aguinaldo.