-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) na ipaubaya na sa kanila at sa mga sangkot na ahensya ang pagresolba hinggil sa isyu ng malawakang balasahan sa loob ng organisasyon.

Sa isang pulong balitaan ngayong umaga sa Kampo Krame, inihayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na bagamat lumabas na sa publiko ang mga naging isyu na kinaharap ng Pambansang Pulisya hinggil sa mga naging rigodon na ginawa sa ilang mga pwesto ay nais ng hepe na hindi na magbigay pa ng ibang detalye hinggil dito.

Bagamat hindi na nagbigay pa ng malalim pa na detalye ang hepe hinggil sa naturang usapin ay nananatiling kumpiyansa ang hepe na ang isyu ay naresolba na sa pagitan ng kanilang tanggapan at ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Aniya, ito ay sumailalim na sa dayalogo at itinuturing nang saradong cycle ang isyu at tiniyak na tuloy lmang sa pagharap sa mga susunod pang usapin t trabaho ang kanilang tanggapan matapos nito.

Ani Torre, naniniwala siyang bilang mga nagbibigay at nagtatrabho para makapaghatid ng serbisyong publiko ay iisa lamang ang kanilang mga layunin at ito ay ang mapanatili ang kaayusan at kabutihan ng publiko.

Samantala, nauna naman na dito, sa naging flag ceremony na siyang pinangunahan din ni Torre, nagpasalamat siya sa hanay ng pulisya sa pagsuporta at pagtindig sa kaniyang mga naging direktiba.

Inihayag din ni Torre na ang kanilang pagtindig ay hindi lamang nagpapakita ng suporta kundi isa ring matapang na paninidigang walang anumang utos o hamon ang makabubuwag sa pagkakaisa ng Pambansang Pulisya.