Nagpahayag ng kanilang kahandaan ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa posibleng magiging epekto ng Bagyong Opong sa bansa.
Ayon kay PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan at inalerto na niya ang lahat ng police units ng kanilang hanay partikular na sa mga bahagi ng Southern Luzon at Visayas na posibleng makaranas ng masungit na panahon sa mga susunod na araw.
Sa kaniyang naging direktiba sa mga commander ng Luzon at Visayas, mahigpit na ippatupad ang pakikipagugnayan ng pulisya sa mga lokal na pamahalaan kung sakali man na magpatupad ng pre-emptive evacuation at iba pang operasyon.
Samantala, inatasan naman niya ang mga regional directors sa mga nasalanta ng mga nagdaang Bagyong Nando at Mirasol na magbigay ng assistance para sa mga ikakasang post-disaster assessments at maging sa mga search and rescue operations sa mga nawawalang mga indibidwal.